August 17, 2025 | 12:00am
Nagsimula na ang taping ni Jillian Ward para sa Never Say Die na pinagbibidahan nila ni David Licauco. Kabilang din sa bagong action-drama series ng GMA Network sina Raheel Bhyria, Kim Ji Soo, Richard Yap, Gina Alajar, Raymart Santiago, Angelu de Leon, Wendell Ramos, Ayen Laurel, Analyn Barro, Tanjo Villoso at Michelle Dee.
“Iba po talaga ‘yung energy kapag nasa set. Hindi ko ma-explain na parang makikita mo ‘yung katrabaho mo. Tapos parang everybody’s doing their best, parang ang sarap sa feeling. Parang super nakaka-energize ‘yung vibe,” nakangiting bungad ni Jillian sa 24 Oras.
Matatandaang huling nagkasama sa Mga Batang Riles na nagtapos kamakailan lamang sina Jillian at Raheel. Bukod sa pinagtatambalang mga proyekto sa telebisyon ay maraming mga tagahanga rin ang kinikilig kina Raheel at Jillian sa TikTok.
“Masaya kami na marami pong natutuwa din sa mga post namin. Kasi ‘yung mga post namin, very spontaneous lang. Like kapag nagkikita kami, wala, ‘Tara, TikTok tayo,’” pagbabahagi ng dalaga.
Masayang-masaya naman si Raheel dahil muli silang magkakatrabaho ni Jillian sa naturang serye. “Sobrang masaya ako na naka-work ko ulit si Jill. Kasi it’s very easy to work with her. Parang naka-work ko na kasi sa MBR (Mga Batang Riles), sa Abot-Kamay (Na Pangarap),” maikling pahayag ni Raheel.
Mika, unhealthy ang karanasan sa ex
Walang kasintahan ngayon si Mika Salamanca. Ayon sa dalaga ay naranasan niyang makipaghiwalay noon dahil naramdaman nilang wala nang magandang patutunguhan ang kanilang relasyon.
“Kinailangan nating umalis sa relationship. Sa past relationship ko, naghiwalay kami kasi kailangan talaga naming maghiwalay. Sa case namin, triny namin. Nagbigay kami ng time sa sarili namin. I remember sabi pa namin sa isa’t isa, ganitong time next year, ‘‘pag walang nangyayari sa ating dalawa or wala pa nangyari individually, kailangan natin maghiwalay kasi hindi na nagwo-work,” pagtatapat ni Mika sa Paano Ba ‘To podcast ni Bianca Gonzalez.
Aminado ang aktres na dumating sa puntong hindi na nila pinagkakasunduan ng dating nobyo maging ang mga malilit na bagay.
“I feel like hindi na talaga siya healthy and nahi-hinder namin ‘yung growth ng isa’t isa. Hindi na kami umuusad and I feel like wala pa kami sa tamang position no’ng time na ‘yon. Hindi pa kami gano’n ka-mature and doon namin na-realize it’s time to go talaga,” kwento niya.
Para kay Mika ay maganda naman ang naidulot sa kanila ng dating kasintahan dahil natuldukan na noon ang relasyon.
Matatandaang ang e-sports player na si John Paul ‘H2wo’ Salonga ang nakahiwalayan ng dalaga noong isang taon.
“Feeling ko kung hindi namin ni-let go ‘yon, wala ako rito ngayon sa PBB (Pinoy Big Brother) kasi iisipin ko ‘yung mararamdaman niya if papasok ako sa PBB. Siya din, wala siya sa situation ngayon sa success na meron siya ngayon. Feeling ko wala siya doon kung kami pa rin ngayon,” makahulugang paliwanag ng aktres. (Reports from JCC)
