Taylor ikakasal na kay Travis


SHOW-MY — Salve V. Asis — Pilipino Star Ngayon

August 28, 2025 | 12:00am

Pakakasal na sina Taylor Swift and Travis Kelce.

Inanunsyo nga nila noong Martes na engaged na sila sa pamamagitan ng magkasabay na post sa Instagram, na may nakalagay na caption na, “Your English teacher and your gym teacher are getting married.”

Kasama sa post ang limang larawan na nagpapakita sa magkarelasyon na nagyayakapan sa isang floral setting, na may closeup shot ng singsing ni Taylor  — isang nakasisilaw na cushion cut diamond na nakapatong sa ginto at isa pang nagpapakita kay Travis na nakayuko habang nakaluhod.

Ito ay kasunod ng paglitaw ni Swift sa podcast na New Heights ni Travis early this month.

Ayon sa mga lumabas na online reports, sinabi ng ama ni Traves, si Ed Kelce, sa WEWS noong Martes na ang kanyang anak ay nag-propose kay Tayloy halos dalawang linggo na ang nakakaraan sa isang garden sa Lee’s Summit, Missouri

Ang kanilang halos dalawang taong relasyon ay nagsimula noong Setyembre 2023, nang magpakita si Taylor sa laro ng Kansas City Chiefs NFL team kung saan naglalaro si Travis.

Nagsimula raw ang lahat sa isang friendship bracelet na may numero ng telepono ni Travis.

Sa isang episode noong 2023 ng kanyang podcast, inamin ni Travis na sinubukan niyang ibigay ang bracelet kay Tayloy sa isa sa kanyang Eras Tour concert. Ang nasabing move daw ni Travis, ayon naman kay Taylor, ay isang bagay na tinawag niya sa isang interview sa 2023 Time magazine na “metal as hell.”

Hanggang nagsimula na raw silang lihim na mag-hang out at di-nagtagal pagkatapos noon nakilala na nila ang isa’t isa.

At nung una raw na pumunta sa laro ni Traces si Taylor, may relasyon na sila noon.